08 August 2008

Walang Hanggang Paalam

by Joey Ayala

di ba tayo’y narito upang maging malaya
at upang palayain ang iba
ako’y walang hinihiling
Ika’y tila ganoon din
sadya’y bigyang-laya ang isa’t-isa

ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam
at habang magkalayo papalapit pa rin ang puso
kahit na magkahiwalay tayo ay magkasama
sa magkabilang dulo ng mundo

ang bawat simula ay siya ring katapusan
may patutunguhan ba ang ating pagsinta
sa biglang tingin kita’y walang kinabukasan
subalit di-malupig ang pag-asa

No comments: